LOOK: PDEA, nagbabala sa Grab at Uber kaugnay sa mga drug pushers na ginagamit ang mga drivers bilang drug courier.


Nagbigay ng babala ang Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Aaron Aquino sa mga drivers ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) gaya ng Grab at Uber sa mga pasaherong posibleng gamitin ang kanilang drivers bilang drug courier.

"We are urging TNVS drivers and operators to exercise due diligence to ensure that they will not be used to transport any contraband," saad ni Aquino sa kanyang pahayag ngayon Lunes.

Inilabas ang nasabing abiso matapos ang pagkaka-aresto kay Jovet Atillano sa Mandaluyong City, kasama ang mga nasabat na ecstacy na umaabot sa halagang P1 milyon at shabu na nagkakahalaga ng P180,000 at ilang piraso ng Valium at ilang Mogadon nitong nakaraang September 19.

Sinabi ni Aquino na ayon sa imbestigasyon ng PDEA, lumalabas na ginamit ni Atillano ang driver ng isang TNVS upang magdeliver ng nasabing mga illegal na droga na nakabalot at naka-sealed at pinalabas ito bilang package para sa mga customers na lingid sa kaalaman ng driver na droga ang laman ng mga ito.  
Ibinulgar din ni Aquino na ang mga sindikato at mga tulak ng illegal na droga ay napag-aralan na i-"utilize the mobile-based application of transport network companies to deliver their illicit goods."

"They will register using fictitious names and pre-activated SIM cards to avoid detection in case the delivery goes amiss and is intercepted by authorities with the unwitting driver will likely to suffer the dire consequences," saad ni Aquino. 

Makikipag-tulungan ang PDEA sa LTFRB at mga TNVS upang mahinto na ang ganitong bagong kalakaran ng droga na gumagamit ng mga drivers upang makapagpadala ng shabu at ilang ilegal sa mga users nito. 


***
Source: GMA News

Post a Comment

0 Comments