TRENDING: Dahilan ni Kris Aquino sa pag-unfollow ng mga friends sa Instagram


Balita-balita ngayon sa social media ang biglaang pag-unfollow ng Queen of All Media sa kanyang mga kaibigan sa kanyang Instagram account .

Alam natin na suki na ang pangalan ng Queen of All Media sa mga headlines at intriga, na kahit sa pang-araw araw na gawain nito ay hindi tayo binigo ng kanyang kasikatan. 

Walang duda na isa siya sa mga pinaka-active at most followed na celebrity sa larangan ng social media ngunit kamakailan lamang ay umingay ang balitang nag-linis ito ng kanyang ‘following’ list sa Instagram.


Dahil dito, maraming na intriga sa ginawa ng TV-Host/ actress na kung bakit biglaan ang kanyang pagdedesisyon. Isang netizen naman ang nag comment sa isang recent post/ photo ni Ms. Kris Aquino kasama ang buong pamilya nito at swerte naman, napansin ito ni Kris.


Ang netizen na si @themartingregorio ang mapalad na sinagot ng TV-Host sa tanong nito na “No following napo Ms Kris? What happened po? “.
TRENDING: Dahilan ni Kris Aquino sa pag-unfollow ng mga friends sa Instagram
TRENDING: Dahilan ni Kris Aquino sa pag-unfollow ng mga friends sa Instagram
Source: PEP
“To spare people I follow of any reprisal or harassment.”

“Sad but true- it’s not healthy to be identified w/ us now”, ang sagot ni Kris sa ma-swerteng netizen.

Ano nga bang ibig-sabihin niya dito?

September 22, 2017: Nagpost si Kris sa kanyang Instagram na “she’s is looking forward to watch Toni Gonzaga’s movie” kasama si Piolo Pascual, ang “Last Night”.
TRENDING: Dahilan ni Kris Aquino sa pag-unfollow ng mga friends sa Instagram
Source: PEP
Kinuwestiyon naman ng  isang netizen ang post ni Kris dahil sa pag-tagged nito kay Toni kahit inun-follow na niya ito sa Instagram. Sinagot naman ito agad ng TV-Host/ actress at sabing “We may not follow each other on social media but we do keep in touch privately.” 
TRENDING: Dahilan ni Kris Aquino sa pag-unfollow ng mga friends sa Instagram
Source: PEP

“And that is special”, dagdag nito.

Sinabi din ni Kris na maski ang kanang-kamay niya na si Alvin Gagui ay hindi niya pina-follow.

TRENDING: Dahilan ni Kris Aquino sa pag-unfollow ng mga friends sa Instagram
Source: PEP
Samantala sa lahat ng inun-follow niya, nanatili naman ang 10 kaibigan ni Kris sa kanyang ‘following’ list. Ilan sa mga ito ang mga artistang sina  Zsa Zsa Padilla, Angel Locsin, Kim Chiu, Erich Gonzales, Pokwang at Alden Richards. Nakafollow pa rin siya sa author ng best-selling “Crazy Rich Asian” na si Kevin Kwan.
TRENDING: Dahilan ni Kris Aquino sa pag-unfollow ng mga friends sa Instagram
Source: Inquirer.Net
Nilinaw naman ni Kris Aquino na ang desisyong mag-unfollow ng kaibigan ay hindi ibig-sabihin nito na hindi sila maayos or may hindi pagkakaunawaan.

***

Source: PEP/ Inquirer News

Post a Comment

2 Comments

  1. Friends they come and go. There's no such thing as best friends. And in the end you're alone deciding what's good for you and your family.

    ReplyDelete