Mel Tiangco sa pang-aapi sa kanya ng ABS-CBN: "Para akong ipis nun; Sir, sana po nakakatulog kayo nang mahimbing"



Sa mainit na isyu ngayon na kinakaharap ng Kapamilya network tungkol sa paghain kamakailan ng Quo Warranto petition ni Solicitor General Jose Calida upang ipagwalangbisa ang kasalukuyang prangkisa ng ABS-CBN kasama ang subsidiary nitong ABS-CBN Convergence dahilan di-umano sa mga paglabag ng network sa batas at prangkisa.

Hingil sa isyung ito, ibat-iba ang mga naging reaskyon at opinyon ng mga mamamayan. Marami ang mga sumang-ayon at marami rin ang mga pumanig at sumuporta sa ABS-CBN network.


Dahil rin sa usaping ito, nabuhay ang mga dating mga nakaraang sigalot na kinasasangkutan ng nasabing komapanya at dati nitong mga empleyado.

Tulad nalang ng di malilimutang karanasan ng dating Television host ng programang Mel & Jay ng ABS-CBN at veteran News anchor na si Mel Tiangco na ngayon ay kasalukuyang namamayagpag ang karera sa Kapuso Network.


Mel Tiangco  | Jay Sonza sa programang Mel & Jay

Sa panayam ng isang Entertainment Portal na PEP.Ph, idinetalye ni GMA News Anchor Mel Tiangco ang mapait na dinanas niya noong tinanggal siya ng ABS-CBN dahil sa paglabas niya sa isang detergent commercial.

"Feeling ko, para akong ipis nun. Alam n’yo naman kung paano ba patayin ang ipis? Di ba, tinatapakan, tapos idiin pa para mapisa nang husto? Ganun ang feeling ko nun.” saad niya.

Nilabag di-umano niya ang isang circular ng Kapamilya Network na nagbabawal sa mga radio and news and current affairs talents ng ABS-CBN na lumabas sa commercial ads na walang pahintulot ng management.
 

Nagkaroon ito ng legal battle sa pagitan ni Mel at ng ABS-CBN, na naging dahilan ng paglipat niya at ng dating co-host na si Jay Sonza sa GMA-7.

Sa tanong na kung meron man itong puwedeng ibahaging parte ng mga kuwento niya at karanasan sa buhay na maaaring itampok sa kanyang drama anthology ng GMA Network na Magpakailanman, ito ang kanyang naging pahayag:

Mel Tianco sa kanyang programang Magpakailanman 

“Naku, baka hindi puwede! Kasi yun ang pang-aapi sa akin ng ABS (CBN), pero puwede ba yun? baka idemanda tayo!,"

"Kasi kung meron mang bahagi ng buhay ko na may matinding pinagdaanan ko-iyon, eh. Wala naman yatang iba, e.” sagot niya.

Ngunit sa kabila ng mga mapapait at mga pang-aaping dinanas niya sa kamay ng ABS-CBN, marami naman daw din siyang natutunan sa nangyari, at matagal na raw niyang pinatawad ang mga taong nang-api sa kanya.

“Ang natutunan ko lang sa experience na yun, ‘You cannot put a good man down."


“Pero alam mo noon, litung-lito ako, na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kasi, you know, I love that company very much. I gave everything I had.

“’Bakit ako ginaganito?’ Yun lang ang umaano sa isip ko, ‘Ano ba ang ginawa ko? Bakit nila ako ginaganito?’

“But I did not lose my equilibrium. I did not lose my balance. I was still in control of my life. Dun na rin ako humugot ng lakas, kasi alam ko na mabuting tao ako. Alam ko na mabuting empleyado ako.

ABS-CBN Network

"Napatawad ko na sila kahit hindi sila nagsu-sorry. Napatawad ko na sila. Bakit hindi ko sila papatawarin, e, ang ganda-ganda ng buhay ko dito sa GMA.

“Napakabait nila sa akin, napakarami kong fulfillment here at GMA,”

May mensahe ding ipinarating ang beterang newscaster sa mga taong tinutukoy niya na mula sa ABS-CBN


“Sir, sana po nakakatulog kayo nang mahimbing. Ang buhay po ng tao ay hindi materyal lang ang mahalaga.

“Sa buhay ng tao ay mahalaga na lilingon ka at marami ang nagsasabi sa ‘yo, ‘Napakabuti mong tao.’

***

Source: PEP.Ph

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments