Panelo may banat sa mga Senador: ‘Di pala kayo sigurado ng trabaho niyo, eh bakit pinagdedebatehan niyo pa?”



Dinaluhan ng mga Senador ang pagdinig tungkol sa isyu ng ABS-CBN franchise renewal na pinangungunahan ni Public Services committee chairman Grace Poe sa kabila ng pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na paglabag ito sa Saligang Batas kapag itinuloy ito ng senado.

Inihayag din ni Presidential spokesperson at Chief legal counsel Slavador Panelo na nagsasayang lang ng oras ang Senado sa pagdedebate kung ang naturang pagdinig nila tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN Network ay paglabag sa separation of powers sa mga sangay ng gobyerno.


“They spent two hours discussing whether they have the authority to do that or not. I can’t even understand. ‘Di pala kayo sigurado ng trabaho niyo, eh bakit pinagdedebatehan niyo pa?”

“They wasted time discussing on something that they should have known at the very inception,” saad niya.



Paglilinaw naman ni Panelo na ang pagdinig ng Senado tungkol sa suliranin na kinakaharap ngayon ng ABS-CBN Corp. sa kanilang franchise renewal ay hindi paglabag sa sub judice rule dahil ito ay isang hiwalay na sangay ng pamahalaan.

“Yung sinasabi mo na baka sub judice? I don’t think so kasi separate branch naman sila,”

“Trabaho nila yun (That’s their job). We will not interfere with their work…But certainly, they are not wasting time discussing the subject matter,” pagpapatuloy ni Panelo.


Iginiit naman ni Poe ang karapatan ng Senado na dinggin ang isyu tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

“Naninidigan ang Senado sa kapangyarihan nito bilang kapantay na sangay ng gobyerno... Sa isang republika at demokrasya, kailangan natin panatilihin ang balance at separation of powers," saad niya.




Maliban kay Senator Poe, dumalo din ang iba pang kapwa niya mga senador sa hearing na sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Minority Leader Franklin Drilon, Senators Joel Villanueva, Sonny Angara, Manny Pacquiao, Nancy Binay, Francis Pangilinan, Ronald “Bato” Dela Rosa, Juan Miguel Zubiri, Risa Honteveros, Sherwin Gatchalian, Manuel "Lito" Mercado Lapid.

Dumalo rin sa pagdinig ang mga matataas na opisyal ng Kapamilya network Executives kasama ang kanilang Presidente na si Mr. Carlo Katigbak, ang mga executives nito na sina Deo Endrinal, Cory Vidanes, Kane Choa, Aaron Domingo, ­Charo Santos-Concio, Direk Laurenti ­Dyogi at Mark Lopez.


Matatandaang hiniling kamakailan ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na ipawalang bisa ang prangkisa ng ABS-CBN dahil sa ilang paglabag pero itinanggi ng ABS-CBN na lumabag ito sa batas.

***

Source:  ABS-CBN News

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments