Mapagsamantalang 'online seller' binatikos dahil sa lagpas triple na presyo ng kanyang alcohol

Larawan kuha mula sa post ni Mica Ella Quiambao

Ang imbes na pakikipagtulungan at pakikiisa sa laban na kinakaharap na krisis dulot ng COVID-19 na ngayon ay patuloy ang paglaganap hindi lang sa mga bansa sa Asya kundi apektado rin maging ang buong mundo.

Dulot narin ng takot ay di maiiwasan na marami sa ating mga kababayan ang mga nagpapanic buying na ng mga pangunahing pangangailangan bilang paghahanda.


Ngunit nakakalungkot sapagkat may mga iilang indibidwal na nanlalamang at namamantala sa gitna ng malawakang problema kung saan pilit nilang pinapakyaw ang ibang mga pangangailangan na nakakatulong upang makaiwas sa COVID-19 tulad nalang ng alcohol, masks, at tissue upang maibenta nila ito sa iba na wala ng mapagbilhan sa hindi lang doble at triple ang presyo sa sobrang mahal.

Tulad nalang sa ibinahaging kwento ni Mica Ella Quiambao, kung saan binatikos niya ang mga taong namamantala sa kinakaharap na krisis na sitwasyon.

Larawan kuha mula sa post ni Mica Ella Quiambao


"Shoutout po sa mga bumibili ng alcohol ng madamihan tapos ibebenta ng may malaking patong," saad niya.

Bagama't nagkakaubusan na ng ilang pang disinfect sa ilang mga pamilihan dahil sa takot na dala ng COVID-19 sa bansa ay hindi ito rason para samantalahin ng ilan nating mga kababayan para lang kumita.

"Wag po ganon, nasa sitwasyon po tayo na lahat tayo kailangan ng alcohol. Wag gahaman kasi madaming nangangailangan!!'


Ibinahagi din niya ang mga larawan kung saan may nagbebenta ng sobrang laki ng halaga na ipinatong mula sa orihinal nitong presyo.

"FYI, ung 500ml na Green cross alcohol ay nasa 74 pesos lang, tapos ibebenta niyo ng 380 ung ganon kalaki," dagdag niya.

Umani ng mga pagbatikos mula sa mga netizen ang mga taong gusto kumita sa paraan ng panlalamang at pananamantala.

Larawan kuha mula sa post ni Mica Ella Quiambao

Walang humpay ang mga paalala ng mga kinauukulan ng gobyerno na huwag magpanic sa gitna ng paglaganap ng COVID-19 dito sa bansa.

Paalala rin nilang iwasan ang pagpapalagananap ng mga maling impormasyon na nagdudulot at nakakadagdag takot lang sa publiko bagkus ay makipagtulungan upang maiwasan ang pagkalat nito sa komunidad.

Ito ang kanyang buong post: 


Shoutout po sa mga bumibili ng alcohol ng madamihan tapos ibebenta ng may malaking patong. 

FYI, ung 500ml na Green cross alcohol ay nasa 74 pesos lang, tapos ibebenta niyo ng 380 ung ganon kalaki.

***

Source: Mica Ella Quiambao

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

1 Comments