Mayor ng Las Piñas pinutakte ng pagbatikos dahil sa paglabag sa protocol ng community quarantine



Habang hindi magkanda-ugaga ang National government at ang ibang Local Government Units (LGU) sa walang patid na pagpapaalala sa lahat na sundin ang payo ng gobyerno na manatili lamang sa loob ng bahay at panatilihin ang social distancing na naayon narin sa Enhanced Community Quarantine protocols upang sa ganun ay maiwasan ang mabilis na pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Pinutakte ng mga pagbatikos at pagkondena si Mayor Imelda Aguilar at iba pang mga opisyal sa Lungsod ng Las Pinas na hindi lang umano sa mabagal na aksyon at pagtugon sa sitwasyon na kinakaharap ngayon ng buong bansa kundi pati narin sa kanilang paraan ng pagtulong sa kanilang mga nasasakupan. 


Nag-viral sa social media ang mga larawan at mga nakuhang videos ng mga residente ng Las Pinas kung saan makikita kung paano halos ipinagsawalang bahala ng Lungsod ang nakakatakot ng banta ng COVID-19 sa sitwasyon ng kanilang sistema ng pag-abot ng tulong.



Kung ang ibang kalapit na mga Lungsod ay halos bahay-bahay o di kaya'y may mga maayos na sistema ng pamimigay ng mga tulong upang mapanatili parin ang mga alituntunin ng community quarantine.

Ang ikinagagalit ng mga nakararami at hindi nila maiintindihan sa pamahalaan ng Las Pinas ay kung bakit pa sa munisipyo ang pagpapamigay ng tulong kung saan kelangan pang lumabas ng mga residente sa kanilang mga kabahayan at pumila hanggang nagkakagulo na at posibleng maexpose ang lahat sa sakit.


Reklamo pa ng iba na dahil sa marami ang pumila umuwi nalang ng walang dala dahil nagkaubusan na.

Narito ang mga ilang salayasay:

Jay Abanil Manigos 
"akala ko marami pamigay na relief good food,hinde kami nabigyan napagud ako sa pila,nasing uwian nalang kami di poh kami nagbigyan ng pagkain kawawa ang umuwi wlang dala🤒 ok lang man ako kahit d makatangap pero yung iba kawawa talaga.
#RIP LAS PIÑAS CITY HALL."

Cassie Emcv
"So, ito ang ibig sabihin ng LOCKDOWN kay mayora! Hahahahaha! Napaka tanga naman. Lockdown nga dba ibig sabihin sa bahay lang walang lalabas. Tapos magbbigay ka ng relief goods sa munisipyo pa???? 😪😡 Oh ayan! Sama sama kayo jan! Kainis 😤
#ONLYinLASPIÑAS


AND FYI! HINDI PO KAMI NAKAKUHA NG NG RELIEF GOODS"





Ehmzcy Jang
Ang bright ni Mayora. Paano na ang Social distancing? Paano na ang Community Quarantine? Jusmio Marimar. Ano tinamad lumabas baka hingalin?😜😜😜


Rencee Adriano 
Di po ata naintindihan ng pamahalaan ang social distancing at mismong mga tao pinapunta sa City Hall. Nararapat at dapat lamang na kayo mismo maghatid nito sa mamayan na inyong nasasakupan. Sana po maliwanagan na ang publiko sa bulok na sistema at pamamalakad sa Las Pinas.

Anna Deleon
"Nakakalungkot ang nangyayari sa bayan ng Las Pinas
Una- kulang sa malasakit si Mayor Aguilar Bakit? Hinayaan mo ang mga tao na pumunta dyan sa Munisipyo para lang maka kuha ng rasyon mo o sabihin nating donasyon mo kasi ikaw mismo ang nagtulak sa kanila na pumunta jan dahil sa kakupadan mo kumilos and feel mo safe ka dyan kasi sanitize n ang municipio kesa nga naman mag bahay bahay ka dba"





"Pangalawa magbibigay ka na din kulang pa, ang alam ko kasi may emergency fund para sa mga taga las pinas pero sana bigyan mo sila ng tamang kilo ng bigas at dami ng delata"


"Nakakalungkot lang din kasi ang mga tao sa las pinas lalo na yung sinugal yung sarili para lang kumuha ng donation ni mayor ndi nyo naisip na pwede kayo magka covid sa ginawa nyo, hindi po kayo mamatay if ilang araw po kayo d makakain kasi may tubig naman po baka ang ika matay nyo pa yung pag punta nyo sa municipio dahil sa sobrang exposure sa tao"


Jayson E. Tabios
"Mayora Imelda Aguilar malapit na ata ako sumuko sa kapalpakan mo! Natataranta ka po ba? Kailangan mo po ba ng tulong? Mayora ang delubyo na dinadanas natin ngayon ay Virus! Pwedeng matransfer through droplets up to 3 meters! Kaya nga po nag utos ang Presidente ng Conmunity quarantine or Lockdown para di na kumalat at inatasan kayong mga Mayors na mag facilitate ng plano para ma contain ang paglaganap nito. Inutusan kayo ng Presidente na utusan nyo mga kapitan ng baranggay na umalalay sa mga komunidad at isa na dito ang maghatid ng relief goods house to house!,"

"Mayora ilang araw na kayong tinutuligsa dapat by this time malinaw na sa isip nyo kung ano ang gagawen. Hindi tulong binibigay nyo sa tao, kundi posibilidad na pagkakasakit dahil nabalewala na ang number 1 rule to contain the virus ang social distancing!"


"Mayora wala ba kayong advisers? Kasi kung meron pwede nyo na sila sibakin. Pinapahamak kayo ng mga tao nyo ng ipahamak nila ang mga tao sa City of Las Piñas! Sa mga kababayan ko mag ingat kayo maglinis kayo ng mga sarili nyo pag uwi nyo at magself quarantine po muna kayo."







Jaris San Pedro Dumag
"So ayun nga... Parang fiesta ngayon sa munisipyo kasi PINAPUNTA nila mga tao para kumuha ng rasyon. Ayos diba?!! #Laspineros"


Armie Damalerio
"Gabi na namimigay pa din si mayora sa Gustong mag kasakit. lumabas na at kumuha ng Relief goods! Hays! Bat ganito kami sa Las Piñas ?"


ER Lete
"YUNG LASPINAS MAYOR NA HINDI ATA NANONOOD NG BALITA. MAYOR MAG ISIP NMAN.. ILANG PIRASO LANG YANG RELIEF GOODS NA IPAPAMAHAGI MO KUMPARA SA MGA TAO NA MAGHAHAWA HAWA NG VIRUS DAHIL SA KAGAGAWAN MO.. MAHIGPIT NA PINATUTUPAD ANG SOCIAL DISTANCING.. DAPAT BAHAY BAHAY ANG GINAGAWA NYO..."



***

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments