Babaeng, lantarang nag-alok ng pabuyang 75-milyon para ipapatay si PRRD, Arestado!

Ma. Catherine Ceron


Isang netizen na naman ang sumunod sa mga yapak sa nauna ng dalawang nahuli ng mga awtoridad dahil sa kanilang lantarang pagbabanta at pag-uudyok ng milyon-milyong suhol sa kung sino man ang makakapagpat*mba kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Siya ay si Ma. Catherine Ceron ng Cebu na may Facebook account na Ma Enirethac Norec. Inaresto siya ng mga kawani ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection (PNP-CIDG) matapos makita ang kanyang pagbabanta laban sa pangulo.


"Dapat naman talagang mamat*y yan c duterte eh kami mag aalok kami kasama ko lahat kami 75 million kong sino makakapat*y ni pangulong rodrigo roa duterte may boss kami na magbabayad talaga.pm nyo po ako," saad niya sa knayang post.

Larawan kuha mula sa Philippine News
Larawan kuha mula sa SunStar Cebu

"Bakit ka naman magagalit pag minomura ka duterte dba nagmumura karin? hayop talaga ugali mo duterte nuh ok lang sayo pag ikaw nagmumura king ikaw ang minomura magagalit ka pisti ka talaga haup ka. kailan kapa mamat*y,"dagdag niya.


Kahapon lang din ay nahuli ng mga pulis ang isang nagngangalang sa Ronald Quiboyen sa Vargas Compound, Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Malay Aklan, parehas na mag-bibigay ng 100-milyon.


Robald Quiboyen | Larawan kuha mula sa Abante TNT
Ronnel Mas | Larawan kuha mula sa PinoyBoxBreak

Isang pampublikong guro na si Ronnel Mas mula Zambales ang nauna ng natimbog ng mga kawani ng taga National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbabanta din nito sa buhay ng pangulo. Magbibigay umano siya ng 50-milyon sa kung sino man ang makakagawa nito.

***

Source: SunStar Cebu

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments