Enrile: Anong urgency sa prangkisa ng ABS-CBN? Tapos na ung termino nila. We must follow the rule of Law



Sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Public Services tungkol sa nakabinbin na panukalang prangkisa ng ABS-CBN matapos itong mag expire noong May 4.

Inimbitahan ng naturang pagpupulong ang dating Senate President na si Juan Ponce Enrile bilang isa sa mga resource persons.

"My position is the franchise of ABS-CBN is a Law, and that law describes the privileges, the businesses, the activities, and the powers that the franchisee can exercise,"


"In ABS-CBN, the Law says, your privilege to engage in the business of the mass media broadcasting will end in May 4, 2020 period. It cannot go beyond that and everything must stop," saad ni Enrile.

Larawan kuha mula sa MSN

"No other power in our government has the right to extend it a minute or a second. The issue here is we must comply with the constitution, we must comply with the laws, we must follow the rule of law in the country, wag namang parang nilalaro yung saligang batas natin," dagdag niya.

Kasama din sa pagdinig ang mga opisyal ng ABS-CBN, National Telecommunications Commission (NTC), Department of Justice (DOJ), Department of Information and Communications Technology (DICT), Office of the Solicitor General (OSG) representatives, retired Chief Justice Reynato Puno at si retired Associate Justice Adolfo Azcuna.


Paliwanag ni Enrile na hindi isyu dito ang komunikasyon at impormasyon sa pagkawala ng Kapamilya network upang hindi mabigyan at hindi maihatid ang mga importanteng impormasyon at pangyayari sa mga tao.

"Hindi ko maintindihan ano bang ang urgency nung prangkisa na ibibigay sa ABS-CBN? tapos na ung termino nila, negosyo dapat hihinto. Ang urgency ba niyan ay dahil kailangan malaman ng ating mga kababayan ang nangyayayri sa ating bansa, my God the nooks and corners of this republic is rich, not by television but by radio," saad niya.

Larawan kuha mula sa ABS-CBN

"Our people know whats going on all over the country because of radio, more than ABS-CBN and GMA-7 or the government station or all the other TV stations,"

"So the question of communication and information is not an issue, the issue here is we must comply with the constitution, we must comply with the Laws, we must follow the rule of Law in the country,"


Umapela ang ABS-CBN sa Korte Supremana upang ihinto pansamantala ang pagpapatupad ng naging desisyon at utos ng NTC sa pagpapasara sa kanila, na dahilan din umano ng pagkalugi ng kompanya at pagkawala ng trabaho ng 11,000 na mga manggagawa.

***

Source:  DZAR 1026

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments