Richard Gomez: Kayo nasa gobyerno, ang nagpahinto sa pagbroadcast ng ABS-CBN



Kaliwa't kanan ang pagbigay suporta ng mga kilalang artista ng ABS-CBN network matapos itong maipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa bisa ng cease and desist order matapos mapaso ang kanilang prangkisa nito noong May 4.

Isa na rito ang binitawang salaysay ni Richard Gomez, dating Kapamilya aktor na ngayo'y Mayor ng Ormoc City.


Sa isang interview ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Usec. Rocky Ignacio kung saan hiningan niya ng reaksyon si Gomez hinggil sa pagpapasara ng kanyang dating home network.

ABS-CBN Broadcasting Center | Larawan kuha mula sa BusinessWorld

“Nako, Usec Rocky, baka mas maganda yata kayo ang sasagot niyan dahil kayo nasa gobyerno, ang nagpahinto sa pagbroadcast ng ABS-CBN," saad niya.

Dagdag niya na nalulungkot siya para sa maraming mga empleyado mula sa naturang istasyon na mawawalan ng kanilang hanapbuhay.

Paliwanag din  ni Gomez na sana'y maaksyunan na ang naging problema ng kompanya at para makabalik na ulit ang AB-CBN channel sa serbisyo.


"Ang take ko diyan, nakakalungkot din isipin pero hopefully temporary 'yung pagsara sa ABS-CBN dahil napakaraming taong nagtratrabaho diyan. Marami akong kaibigan na artista na nagtratrabaho diyan,"

ABS-CBN Broadcasting Center | Larawan kuha mula sa Rappler

"Hopefully matugunan na, kahit provisionary lang 'yung ibibigay sa prangkisa nila para ang ABS-CBN muling makapag-ere,"

Nauna ng nagpahayag ng suporta at naglabas ng kani-kanilang mga emosyon sina Kim Chui at Coco Martin, ang dalawa sa mga kilalang personalidad ng Kapamilya network.


***
Source: GMA 

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments