Ronald Quiboyen, ang nag-alok ng P100-M kapalit ng buhay ni Pangulong Duterte, arestado na rin



Matapos mahuli ng mga taga National Bureau of Investigation - Pangasinan ang isang guro na si Ronnel Mas sa lugar nito sa Zambales, matapos siyang mag udyok ng P50-milyon na pabuya sa kung sino man ang makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sumunod din sa yapak niya at nasampolan matapos maaresto si Ronald Quiboyen, dahil sa parehas na dahilan.



Nag-alok rin si Quiboyen sa kanyang social media account na dodoblehin niya umano ang nauna ng mga binitawang halaga kapalit ng buhay ng pangulo sa halagang 100-milyon. Ito ay agad din naireport ng mga netizens sa kinauukulan.


Ronald Quiboyen | Larawan kuha mula Malay PS Masaligan


Ikinasa ng mga taga CIDG AKLAN PFU at ng mga taga Malay Police Station ang paghahanap at pagkadakip kay Quiboyen sa Vargas Compound, Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Malay Aklan.






Naunang ng inaresto ng mga awtoridad si Ronnel Mas na aminadong kaya niya nagawa ang nasabing post upang magpapapansin at maghanap lamang atensyon sa twitter.

"Sa totoo po kasi, yung twitter yung naging saloobin ko pero walang pumapansin kaya nagawa ko yon. Naghahanap lang talaga ako ng atensyon,"saad niya.


***

Source: Buhay Lespu


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments