"Sana ituro din ng kompanya niyo ang TAMA at MALI, hindi yung gawing TAMA ang MALI," Netizen kay Kim Chui

You Jana | Kim Chui
Naging maiinit na usapin at debate sa publiko ang kamakailan lamang na inilabas na desisyon ng National Telecommunications Commision (NTC) sa pagpapasara at pagpapatigil ng operasyon ng ABS-CBN network sa bisa ng Cease and Desist order kasunod ng pagkapaso ng kanilang prangkisa noong May 4.

Todo suporta ang mga Kapamilya artists na naglabas ng kani-kanilang mga opinyon at at mga saloobin laban sa ahensya ng gobyerno kung bakit pinapasara ang kanilang itinuturing na tahanan sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa.


Isa na rito si Kim Chui, isa sa mga kilalang artista ng Kapamilya network na hindi makapagpigil at naglabas ng kaniyang emosyon at galit sa kinahinatnan ng sa kanyang kompanya.

"Bakit niyo tatanggalan ng pangarap at pag-asa ang isang tao?. Bakit niyo tatanggalan ang tao na, 'Gusto kong sumali sa ganito dahil kapag nanalo ako ay maipagamot ko iyong lola ko. Iyong saya ng bawat Pilipino, kahit maliit lang, pinagkaitan niyo sila ng saya sa panahon na ito." saad niya sa isang interbyu.

ABS-CBN Bldg. | Photo from Philstar

Inahalintulad din ni Kim ang naging sitwasyon ng kanilang istasyon sa isang pangyayari sa loob ng silid aralan.


“Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinumbit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas,” paliwanag niya.

Ang naging pahayag ng Kapamily aktres ay nag-viral sa social media dahil narin marami sa mga netizens ang nalito sa nais niyang ipahayag. Inamin rin niya sa kanyang IG post, na maging siya ay hindi niya naintindihan ang kanyang sinasabi.

Kim Chui | Photo from ABS-CBN

Dahil dito, isang netizen na si You Jara ang sumulat ng kanyang bukas na liham para kay Kim Chui upang bigyang linaw ang aktres sa pangyayari.

Sa naturang post, ipinaliwanag ni Jara sa pinakasimpleng paraan na paghahalintulad sa mga sitwasyon upang ito'y mas madaling maintindihan.


"Sumunod kasi kayo sa LAW/RULES. Para hindi nyo inaabot yan. Ang lagay, parang mas kawawa pa kayo, aping api sa panahon ng epidemya 🤦‍♀️," saad niya.

"Sana ituro din sainyo ng companyang pinaglalaban nyo yung TAMA at MALi! Hindi yung gawing TAMA ang MALI," dagdag pa ni Jara.


Narito ang kanyang buong bukas na liham:

An open letter for: Kim Chiu♥️

Dear Kim,
Una sa lahat gusto ko lang sabihin sayo na WALANG LAW ang classroom! RULES ang meron.
At ang nagpapatupad nun ay PROFESSOR/TEACHER. Yung paliwanag mo na "bawal lumabas ng classroom" example yun ng RULES!

Sana ang inexample mo nalang yung REQUIREMENTS ng SUBJECTS.. kasi yun pag hindi mo na COMPLY, babagsak ka! Hindi ka, makaka akyat ng year/level mo.


Pag sinabi mo kasing LAW! School ang meron nun, sila gumagawa nun, hindi classroom.

kagaya nung "NO ID, NO ENTRY" lalo na pag ang guard ng school e, STRIKTO.
Hindi uubra dun na magpapacute at sasabihin mong "freedom of students" to! Papasukin nyo ko.

Hindi ganun yun! Hangga't wala kang ID ng school, hindi ka makakapasok. Kahit pa magwelga ka sa labas, mag-iiiyak. Pag walang ID, hindi ka makakapasok! (Actually kahit san naman diba?)

Bigyan kita ng example ng pinaglalaban mong MALI/BALUKTOT.

Sa school ang LAW ay "Wear Proper uniform" tapos naka indicate na ang uniform nyo SLACKS pants. Pero ang sinuot mo MAONG pants. Kasi artista ka e! Sikat ka.. kim chiu ka..

Pero Nakita ka ngayon ng student affair officer,
Tingin mo, kahit artista ka pwde kanang magiba ng pants? Tingin mo FAIR yun sa ibang students?



Tingin mo ang sasabihin nila "ay sige tumutulong naman yan sa tao papasukin nyo na" tingin mo ba ganun yun?

Pano yung mga nangutang pa, para lang makabili ng uniform? Tingin mo papayag na lang sila ng ganun? 😩 palakasan? Ako, Hindi!

O example naman ng comply?
Hindi porket nag comply kana, na "MAONG pants ang isusuot ko" oh eto mga documents! E ok na yun? Na sasabihin "ah nagcomply nako pede na pala ko makapasok"

Yung ibang relihiyon nga or yung mga kailangan talaga magsuot ng iba bukod sa uniform. Sumusunod e 😅 oo, nag co-COMPLY sila ng request, pero
take note: Hindi din agad na-aaprove ang mga COMPLY documents nila, kasi nga may proseso pa yun.

Ganun yung pinaglalaban mo, nasa proseso pa kasi kayo! Hindi porket nagcomply na, okay na!Sumunod kasi kayo sa LAW/RULES. Para hindi nyo inaabot yan. Ang lagay, parang mas kawawa pa kayo, aping api sa panahon ng epidemya 🤦‍♀️


Sana ituro din sainyo ng companyang pinaglalaban nyo yung TAMA at MALi! Hindi yung gawing TAMA ang MALI.

Love, You ♥️

***

Source: You Jara

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments