Toni Fowler kay Kim Chui: Bilog ang mundo. Babalik sayo kung ano ang binibigay mo sa ibang tao!

Tony Fowler | Kim Chui

Trending ngayon sa social ang isang post ni Toni Fowler tungkol sa pagsisiwalat niya sa totoong pag-uugali at asal ni Kim Chui bilang isang artista.

Ibinahagi ni Fowler na nakatrabaho niya na dati si Kim bilang siya ay dating back-up dancer ng Showtime, ang noontime show ng Kapamilya network. Kwento niya na palaging late si Kim sa mga call time nila para sa rehearsal na naging dahilan upang minsan ay inaabot sila hanggang madaling araw.



“Way back (im not sure) 2011 or 2012 First time mong nag guest sa SHOWTIME para sumayaw. I remember nung mga panahon na yun nag-aaral pa ko sa Lyceum. Ang rehearsal time sched mo samin ay 5PM. Dumating ka ng 11pm.. 6 HOURS KANG LATE SES! SIX HOURS! Natapos rehearsal natin ng 2:30am,” saad niya.


Kim Chui | Larawan kuha mula sa ABS-CBN 
Dagdag pa ni Fowler na naging dahilan din ang pagkalate ni Kim upang minsan ay hindi na siya nakakaabot sa kangang mga klase. Ngunit imbes na humingi ng pasensya ang artista sa mga taong pinaghihintay niya, ay parang siya pa umano ito ang naiinis at ni-halos walang pakialam lang sa kanila.


“Ilang oras kami nag antay sayo. Hindi nako nakapasok sa school. Dumating ka.. pero ni sorry... wala. Parang ikaw pa nga yung inis. Inintindi nalang namin kasi baka pagod ka at sino ba naman kami para umarte. BACK UP DANCER LANG NAMAN KAMI diba?,”

Naging laman ng social media ang mga nakaraang pahayag ni Kim Chui tungkol sa pagkasara ng ABS-CBN network, kung saan hindi siya nilubayan ng pagkutya ng mga netizens. Hindi rin naman ito pinalagpas ni Kim ang mga taong patuloy siyang binabash.



Kim Chui | Larawan kuha mula sa ABS-CBN 

“Didnt expect people can be this mean. Parang bakit sila galit na galit? Inano ko ba sila?... sinaktan ko ba? May pinatay ba akong kamag anak niya? This people are being so mean. Grabe lang.” saad ni Kim


Paliwanag din ni Fowler na hindi niya ginawa ang post niya na ito upang i-bash si Kim, ngunit gusto lang niyang itanong sa artista kung ano ang pakiramdam na walang pakialam yung mga tao sa nararamdaman niya.


“Yung sinasabi mo sa mga tao na MEAN sila dahil painagtritripan ka nila? Ano pong pakiramdam ng naapektuhan ka ng sobra TAPOS WALA SILANG PLANO MAG SORRY SAYO,” 
"Wala akong galit sayo. Im not a fan and im not a hater. Gusto ko lang sabihin sayo na.. bilog ang mundo. Babalik sayo kung ano ang binibigay mo sa ibang tao," 

Narito ang kanyang buong pahayag:

Mahal ko ang ABS CBN. Ilang taon po akong showtime dancer at mababait po ang mga staff ng channel 2 kaya masakit sa puso ang mga pangyayari ngayon.



ABS-CBN Broadcasting Center |  Larawan kuha mula sa Philstar

pero may post ako para sayo kim chui 


Naalala mo pa ba ako? Sa dami ng lagi nag baback up dancer sayo at sa dami ng taon na lumipas... Malamang hindi.


Way back (im not sure) 2011 or 2012
First time mong nag guest sa SHOWTIME para sumayaw. I remember nung mga panahon na yun nag-aaral pa ko sa Lyceum. Ang rehearsal time sched mo samin ay 5PM. Dumating ka ng 11pm.. 6 HOURS KANG LATE SES! SIX HOURS! Natapos rehearsal natin ng 2:30am.

Tapos ang araw araw naming call time sa AbsCbn ay 7AM. Sa halagang 300 lang po ang sahod namin NOON per DAY.

Ilang oras kami nag antay sayo. Hindi nako nakapasok sa school. Dumating ka.. pero ni sorry... wala. Parang ikaw pa nga yung inis. Inintindi nalang namin kasi baka pagod ka at sino ba naman kami para umarte. BACK UP DANCER LANG NAMAN KAMI diba?

Wag ka magalala. Di kita ibabash.
Gusto ko lang itanong sayo.. Anong pakiramdam na walang pakialam yung mga tao sa nararamdaman mo?


Yung sinasabi mo sa mga tao na MEAN sila dahil painagtritripan ka nila? Ano pong pakiramdam ng naapektuhan ka ng sobra TAPOS WALA SILANG PLANO MAG SORRY SAYO..

Dati ng asaran ng mga dancer yan.. ‘oh back up daw ulit.. si kim chu daw’ halos lahat iisa lang sagot ‘hala wag naman sana’

I hope nagbago kana. Dahil nung napanuod ko yung balita na may gustong pumatay sayo at pinagbabaril ang kotse mo.. sana mapaisip ka.. Baka may mga maliliit kang tao na natatapakan.

Tinake ko lang tong opportunity na to kasi puro ikaw all over my news feed. And i hope makarating sayo to. wala akong galit sayo. Im not a fan and im not a hater. Gusto ko lang sabihin sayo na.. bilog ang mundo. Babalik sayo kung ano ang binibigay mo sa ibang tao. 



***
Source:  Toni Fowler

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!
👇🏼


Post a Comment

0 Comments