TV Broadcaster binanatan ang Kapamilya artists: Nakakaawa, kapag walang script, suntok sa buwan ang mga sinasabi

Kapamilya stars Coco Martin at Kim Chui

Naglabas kamakailan ng kani-kanilang mga hinanaing sina Coco Martin at Kim Chui, kapwa mga artista ng Kapamilya network hinggil sa tuluyang pagpapasara ng NTC sa kanilang pinagtatrabuhang kompanya.

Hindi ito pinalagpas ng isang broadcaster na si Mike Abe at binanatan niya ang mga Kapamilya stars na ayun sa kanya ay hindi alam kung ano ang mga pinagsasabi kung walang sinusunod na script.


"Itong ibang mga artista kapag walang script, suntok sa buwan ang mga sinasabi. Naaawa ako dun sa mga artistang nagsasalita kapag walang script, anlayo ng sinasabi," saad niya.

ABS-CBN Broadcasting Center | Photo from ABS-CBN

"Halatang halatang WALANG ALAM SA BATAS, HINDI INAARAL ANG BATAS!," dagdag ni Abe.

Sa kanyang news segment sa SMNI channel, matapang na sambit ni Abe kay Coco Martin na wala namang nang-aapi sa kanya, nawalan lamang ito ng kita.

"Kasi yung mga pinagsasabi mong makikipagbasagan ka ng mukha, makikipagpatayan ka kapag inaapi ang pamilya mo. Eh wala namang umaapi sayo. Nawalan ka lang ng kita na 500,000 a day nagkakaganyan ka na?," paliwanag niya.


"Alam naman namin na, more or less 500,000, kalahating milyon araw-araw ang kita mo, bilang producer, bilang director, bilang aktor. Tapos ngayon, ilang araw pa lang nagsara nagugutom ka na, makikipabasagan kana ng mukha?"

Coco Martin
"Kung sino man ang nag-advise sa batang ito, na magsalita ng ganyan, abay nilagay niyo sa pahamak ang batang yan. Nakakaawa kasi hindi niya alam sinasabi niya, kasi galit na galit siya eh. At hindi ko alam kung ang galit niya ay sarado ang isip sa batas, wala siyang alam sa batas," patuloy ni Abe.

Nag-iwan ng mga marka ang mga linyang binitawan ni Coco Martin noong humarap ito sa publiko dahil narin sa aminado siyang di niya mapigilan ang galit na nararamdaman dahil sa pangyayari.

“Ang tao ngayon hindi makukuha sa diplomasya. Binarubal na tayo. Tinarantado na tayo. Kinuha na iyong bahay natin. Anong ie-expect natin? Pagdadasal natin sila? Pinagdasal na natin sila. Tiniis na natin sila. Dapat kumilos na tayo. Dapat magsalita tayo,”


“Kasi kung lahat tayo mananahimik, aabusuhin tayo niyan. Para tayong bata na kinotongan, at kapag nagkita kayo niyan, ano ang ie-expect mo? “Kasi ito ang pagkakataon natin. Wala na tayong trabaho. Ano ang iingatan natin? Ako wala nang trabaho. Ano ang ipapakain ko sa pamilya ko?

“Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako,”

Kim Chui
Hindi rin pinapalagpas ni Abe ang naging pahayag ni Kim Chui, na naging trending ang paghahalintulad niya sa sitwasyon ng ABS-CBN sa alituntunin meron sa loob ng silid aralan.

"Si Kim, naku ano ba naman mga pinagsasabi nun? Di ko rin maintindihan,  ano ba yung classroom, classroom daw, di ko maintindihan,"

Pinaalalahanan din niya ang mga artista na dapat maging maingat sa kanilang mga binibitawang mga salita sa publiko at sa mga social media dahil babalik din sa kanila ang kanilang mga maling sinasabi.

"Kayong mga artista, kilala kayo, may pera kayo, matagal kayo bago magutom. KApag magsalita kayo in public, sa social media, dapat maingat kayo dahil SISIPA SA INYONG PABALIK 'yan pag mali ang sinasabi n'yo or KUNG WALA KAYONG ALAM sa mga regulasyon at batas,"

***

Source:  SMNI News

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments