Villar: Bakit bibigyan yung 'middle class' eh may trabaho sila. Nade-deprive ang mahihirap!

 
Senator Cynthia Villar | Larawan mula sa Rappler
Habang ang lahat ay apektado, mahirap man o mayaman dahil sa naging kahirapan at problema sa pansamantalang pagtigil ng karamihan ng trabaho sa bansa dahil sa banta ng Covid-19 sa kalusugan ng mga tao.

Hindi matawaran ang mga nagawang pagtulong ng gobyerno na naglalayong abutan ng tulong ang lahat ng mga apektado ang pamumuhay lalong lalo na ang mga taong dati pa ay hirap na sa kanilang pang araw-araw na buhay.


Ngunit sa naging pahayag ni Sen. Cynthia Villar tungkol sa desisyon ng pamahalaan na magbigay ng tulong pinansyal sa halos 18-milyon na pamilya na hindi na dapat pa bigyan ng tulong ang mga pamilyang nanasakop sa "middle class" sapagkat tuloy pa naman din umano ang kanilang pagtanggap ng sahod sa gitna ng pandemya sa bansa.

Larawan mula sa ABS-CBN


"Yung 18 million is 82%. Bakit bibigyan 'yung middle eh may trabaho sila, kahit lockdown nagsusweldo sila sa gobyerno kung employed by the government," Saad niya.

Dati ng naglabas ng mga sama ng loob sa social media ang mga indibidwal na nasa "middle class" at hinihimok ang pamahalaan na dapat ay mabigyan rin silang mga nagbabayad ng buwis.


"Kung employed naman ng mga private, nagsusweldo rin sila kaya nga nahihirapan ang mga companies kasi they have to pay the salaries even if there is no business," paliwanag niya.

"Hindi ko ma-accept ang figures na 'yun. Masyadong mataas. Nade-deprive ang mahihirap dahil binibigyan pati ang middle class,"

Larawan mula sa Rappler

Tinutukoy dito ng senador ang P200-bilyong dalawang buwan na emergency subsidy program para sa 18 milyong mga pamilya na may mababang kita sa bansa na naayon sa Bayanihan to Heal as One Act.

"Kasi kami libu-libo ang empleyado namin kahit hindi sila napasok, sinuswelduhan namin. Eh bakit sila pa ang bibigyan ng SAP? Eh may suweldo sila, mapalad sila may sweldo sila," dagdag ni Villar

Pinapagpaliwanag din ni Villar ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hingil dito.

***

Source:  GMA News

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments