Kolumnista at dating Radio host ng ABS-CBN ibinunyag ang maruruming kalakaran sa loob ng Kapamilya network

ABS-CBN Network
Tila sunod-sunod ang mga kontrobersiya at mga paglalantad ng mga diumano'y maruruming sistema at pamamalakad na kinasasangkutan ng kelan lang napasara na istasyon, ang ABS-CBN network.

Naging usap-usapan ang kamakailan lamang na pagpapatalsik ng nasabing istasyon sa dalawa nitong mang-aawit na sina Daryl Ong at Bugoy Drilon ng dahilan lang sa kanilang naging usapan at sa mga naipahayag nila na komento tungkol sa problemang kinakaharap ng istasyon dahil sa hindi pagbigay sa kanila ng panibagong prangkisa.


Ikinakalungkot naman ni Daryl Ong ang biglaang desisyon ng TV network sa pagpapatanggal sa kanila dahil sa hindi rin daw sila nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag at marining ang kanilang panig tungkol sa nangyari.

Daryl Ong
Ang pangyayaring ito ay hindi na ikinagulat ni Jobert Sucaldito, dating Showbiz news anchor ng isang radio station ng ABS-CBN kung saan siya ay tinanggal rin sa kompanya.

Aniya marami ng pagkakataong napakababaw ng mga naging dahilan ng Kapamilya network sa pagpapatanggal nito sa kanilang mga empleyado.


"Masyadong mababaw ang karamihan sa mga dahilan ng ABS-CBN sa pagtanggal ng marami nilang trabahador. imagine, yung isang simpleng kuwentuhan lang with friends (Bugoy and company) would lead sa pagkasibak nila sa network without even giving them the chance to air their side of the story," saad niya.

Jobert Sucaldito
"Ganyan ka-feeling ang mga tao sa loob ng istasyon - mga diyos ang turing nila sa mga sarili nila - iyan ang mga anay sa loob. napakayayabang - napaka-walanghiya ng ilang mga boss diyan sa ABS-CBN. mga WALANG PUSO ang ilan diyan,"

"Kailangang himurin mo ang mga puwet nila para mapanatili ka sa loob lalo pa't hindi ka nila kaalyado. nakakadiri ang ilang tao diyan sa loob," dagdag niya.


Inilantad din ni Sucaldito ang umano'y mga nakagawian na na mga maruruming kalakaran at sistema sa loob ng istasyon na halos daw pati laman ay mapipilitang ialay para lang mabigyan ng magandang oportunidad at career sa loob ng istasyon.

"Ilan lang ba and malinis sa loob ng istasyon na iyan? pakikiapid kung kani-kanino. daming internal scandals kaya diyan. kaniya-kaniya silang diskarte. sabi sa inyo, may mafia sa loob ng istasyon na iyan eh,"

Jobert Sucaldito

"Huwag na tayong magmaang-maangan darlings. huwag kayong magmalinis dahil it's an open-secret sa loob ng network iyan . super-dirty ang ibang sistema sa loob!!!!,"


Narito ang kanyang buong pagsisiwalat: 

Napanood ko ang video ni Daryl Ong regarding sa pagtanggal sa kaniya ng ABS-CBN na may tagline na "in the service of the Filipino" and refers to everyone who works there as Kapamilya and medyo nalungkot ako. 

Naramdaman ko ang nangyari sa kaniya dahil ganoon din halos ang nangyari sa akin, kasama ang ilan pang mga nawala na sa tinatawag nating Kapamilya network. in fairness kay Daryl, he explained himself very vividly and decently pero dama mo ang pain sa kaniyang puso. but of course, this didn't stop him from thanking everyone who, in one way or another, has helped him boost his career while he was still connected with them.

masyadong mababaw ang karamihan sa mga dahilan ng ABS-CBN sa pagtanggal ng marami nilang trabahador. imagine, yung isang simpleng kuwentuhan lang with friends (Bugoy and company) would lead sa pagkasibak nila sa network without even giving them the chance to air their side of the story. 


ganyan ka-feeling ang mga tao sa loob ng istasyon - mga diyos ang turing nila sa mga sarili nila - iyan ang mga anay sa loob. napakayayabang - napaka-walanghiya ng ilang mga boss diyan sa ABS-CBN. mga WALANG PUSO ang ilan diyan. kailangang himurin mo ang mga puwet nila para mapanatili ka sa loob lalo pa't hindi ka nila kaalyado. nakakadiri ang ilang tao diyan sa loob. you should have seen how they throw their weights around. mapapapunyeta ka talaga. nakakagigil sila kung minsan. 

feeling kasi nila forever silang nasa itaas. puwes, magkasubukan tayo. pagbabayaran niyo lahat itong pang-aapi ninyo sa aming maliliit. daming sipsip kasi diyan - tulad na lang nung tinutukoy ni Daryl na nag-record ng conversation nila na nagsumbong sa mga boss ng ABS-CBN - I hope by the time na mabigyan ng prangkisa ang Dos ay gawin siya agad na Vice President. ang kapal, di ba? hindi man lang niya inalintana ang katayuan nina Daryl and Bugoy na kailangan din ng trabaho para ibuhay sa mga pamilya nila. 

mabait lang iyang istasyon na iyan sa mga sipsip sa kanila pero pag di ka nila feel, gagawa at gagawa ang mga iyan ng paraan para tsugiin ka. iyan ang tunay na essence ng KAPAMILYA. mga walang puso at walang budhi!!!!!


iyan ba ang pinaglalaban ninyong istasyon - ang masyadong marahas sa kanilang mga desisyon sa mga pobre? IN THE SERVICE OF THE FILIPINO? huwag niyo kaming ululin! isang malaking katarantaduhan ang tagline na iyan. sarap pangalanan ang mga naghahari-harian sa loob. sarap pagsasampalin. 

puwes, namnamin ninyo ang KARMA na kinakaharap at haharapin pa ninyo in the future. sabi nga nila "when you're up there's no way but down". ang tayog kasi ng lipad ng mga nakaupo diyan - feeling forever sila sa power. 

ilan lang ba and malinis sa loob ng istasyon na iyan? pakikiapid kung kani-kanino. daming internal scandals kaya diyan. kaniya-kaniya silang diskarte. sabi sa inyo, may mafia sa loob ng istasyon na iyan eh. 


may iba kaming nakausap na mga male artists na sobra ang sama ng loob sa mga naging takbo ng career nila sa loob ng istasyon. may nagsasabing kaya di umuusad ang mga careers nila dahil hindi sila pumapayag na magpahawak sa malalagim na kamay ng ilang baklang malalakas sa loob. to get good breaks, yung iba ay napipilitang pumatol. 

huwag na tayong magmaang-maangan darlings. huwag kayong magmalinis dahil it's an open-secret sa loob ng network iyan . super-dirty ang ibang sistema sa loob!!!!

***
Source:  Jobert Sucaldito

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments