OFW, naglabas ng galit kay Sharon dahil sa Juvenile Law ni Pangilinan: Wala kaming nakuhang hustisya abswelto ang Bata

Jose Maria Jesus | Sharon Cunete | Sen. Francis "Kiko" Pangilinan

Hindi mapigilan ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na maglabas ng kanyang galit at hinanakit laban kay Megastar Sharon Cuneta-Pangilinan at ng kanyang asawa na si Senador Francis "Kiko" Pangilinan tungkol sa mga posts ng artista laban sa mga kritiko ng kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Sa naging komento ni Jose Maria Jesus, isang manggagawang Pilipino na nakabase sa Saudi Arabia kung paano sila pinahirapan sa isang batas na ginawa ni Sen. Pangilinan, ang Juvinile Justice Law of 2006.


Nang dahil umano sa ginawang batas, hindi napanagot at wala silang nakuhang hustisya at damage laban sa isang menor de edad na siyang nakabangga sa kanyang asawa na humantong pa sa pagka coma nito.

“Alam mo Sharon pwede kong ipanalangin na m*matay na kayong lahat na buong pamilya dahil sa ginawang batas NG asawa mo naaksedente NG 16 years old ang asawa ko nabanga NG motor at nakoma NG 12days," saad niya

"Alam mo ba umubos kami NG 1.2 million NG mga anak sa ospital mga ofw kaming magaama na ubos ang aming ipon Para maisalba ang nanay NG mga anak ko,”

Ayon pa kay Jesus, maging ang DSWD at ang Judge ay walang magawa sa kaso dahil pa rin umano sa proteksyon ng batas para sa mga nasasangkot na mga menor de edad.


“Alam mo ba Sharon wala kaming nakuhang hustisya abswelto ang Bata at wala rin kaming nakuhang damage o tulong sa naka aksedente dahil sa batas NG asawa mong g*go dswd at Judge walang magawa kasi di Nila pwedeng suwayin ang Bata na jubinile law na pabor sa mga menor di idad sana kayo ay mapatay na lahat NG mga kriminal na kabataan na gawa NG hayup mong asawa,”


Komento ni Jose Maria Jesus


Isang article post ni Sharon ang pinag-ugatan ng komento ni Jesus kung saan naglabas ng hinanakit at ng kanyang nararamdaman si Megastar tungkol umano masakit na pinagdaanan ng buong pamilya dahil sa mga kritisismo laban sa kanila.

“Kay tatapang na nating magbitiw ng di lang masasakit kundi di malunok na mga salitang parang hindi tayo magkakababayan. Masyado nang tinotolerate, kundi man ine-encourage – at karamihan ay binabayaran pa para manira ng kapwa,"

“Napakasakit ng pinagdaraanan namin ngayon. Kaya nga ako nag-asawa kasi matinong tao si Kiko, at gusto ko tumahimik na ng paunti-unti ang buhay ko. Lalo lang palang gugul," saan ni Sharon sa kayang Instagram post.

Hindi rin makapagpigil si Megastar na baliwalaan at hindi panghimasukan ang isang basher ni Frankie kung saan nagbitiw ito ng isang katanungan at sitwasyon na hindi niya ikinatutuwa.

"At para sa kaalaman ng isang bobong katulad mo, ang Juvenile Justice Law ay hindi para hindi parusahan ang mga kabataang may krimen kundi kung seryoso ang offense ay pananagutan pa rin ngunit ihiwalay sila sa mga hardened criminals na maaaring abusuhin naman sila - at managot sa isang prosesong angkop sa kanilang pagiging menor de edad!,"

"Ang kapal ng pagmumukha mong patulan ang issue at pagsalitaan ng ganito ang anak ko! Tayong dalawa ang magharap - di ko man lang iistorbohin ang asawa kong humarap sayo - tutal baka magmukha kang aso pag ako nakaharap mo! Di kita uurungan,"

***
Source:  Pinoytrend

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments