SUNDALO: Taga-Luzon na hindi nakaranas ng pang-aabuso ng mga terorista ang lakas-loob ibasura ang anti-terror bill



Mainit na usapin at patuloy na pinagdedebatihan ang panukalang anti-terrorism law na naglalayon upang labanan ang paghahasik ng krimen at terorismo sa bansa kung saan hati ang naging reaksyon at opinyon ng mga tao.

Marami ang ang natuwa at suportado ang panukalang batas lalong lalo na sa mga mamamayang nasa malalayong probinsya na silang mga nakakasaksi at nakakaranas ng mga pananamantala at pang-aabuso ng mga terorista.


Sa kabilang banda, marami din ang mga umalma at bumatikos na mga organisasyon at pati na ng mga kilalang na mga personalidad dahil pinangangambahan nilang magamit umano ito laban sa kritiko ng administrasyon.

Marawi Siege,  Mindanao.
Isang sundalo na siyang isa sa mga nangungunang handang ibuwis ang sariling buhay upang mapanatili lamang ang kapayapaan at kaayusan ng bansa ang sumulat ng isang bukas na liham para doon sa mga taong gusto ibasura ang nasabing panukala.


Binigyang diin sa sulat na naka-publish sa isang page na 'Hugot Sundalo' ang mga pangmamalupit ng mga terorista dito sa bansa lalo na sa Mindanao, ngunit hindi naman umano ito ramdam ng mga taga nasa Luzon kung saan karamihan dito nanggagaling ang mga pagbabatikos sa panukala.

"Marami nang pinagdaanan ang Pilipinas sa kamay ng mga terorista ngunit hindi ito ramdam sa gawing Luzon kundi sa Visayas at Mindanao lamang. Baka nakalimutan na natin ang Zamboanga siege, Marawi siege, ang mga pambobomba sa simbahan at sa davao, ang Mamasapano Massacre kung saan namatay ang 44 na SAF at ang 11 sundalo na pinatay sa gitna ng paglilingkod sa kabila ng COVID," saad sa nasabing post.

Fallen 44 Heroes: Mamasapano Massacre, Mindanao.

"Nakakalungkot isipin na mga tiga-Luzon na hindi naman nakaranas ng pananamantala at pang-aabuso ng mga terorista ang lakas-loob na lumalaban sa batas na ito," dagdag nito.

Sa liham, inilabas ng isang sundalo ang kanyang saloobin doon sa mga kritiko at sumisigaw na mahal nila ang kanilang bayan ngunit tila hindi naman binigyang pag-aalala ang mga kapatid at mga mamamayan sa Mindanao kung saan sila umano ang naaapektuhan sa kamay sa mga terorista.


"Hindi ninyo sinasaalang-ala ang buhay ng mga kapatid ninyo sa Mindanao na pangunahing apektado sa kamay ng mga terorista. Sabagay, hindi nga naman ninyo alam yung hirap, dahil naninirahan kayo sa magagarang tahanan, nakakatulog kayo ng mahimbing at nakakasama ninyo ang inyong pamilya ng matiwasay,"

Zamboanga Siege, Mindanao.

Narito ang buong bahagi ng post:

LIHAM NG ISANG SUNDALO SA LAHAT NG NAIS IBASURA ANG ANTI-TERROR BILL

Ako’y hamak na sundalo lamang na nais maglingkod sa bayan. Binubuwis ang buhay para makamit ang kapayapan na alam naming kailanman hindi natin makukuha hanggat may mga taong nagmamanipula at gumagamit sa murang kaisipan ng mga kabataan. Marami nang pinagdaanan ang Pilipinas sa kamay ng mga terorista ngunit hindi ito ramdam sa gawing Luzon kundi sa Visayas at Mindanao lamang. 

Baka nakalimutan na natin ang Zamboanga siege, Marawi siege, ang mga pambobomba sa simbahan at sa davao, ang Mamasapano Massacre kung saan namatay ang 44 na SAF at ang 11 sundalo na pinatay sa gitna ng paglilingkod sa kabila ng COVID.


Nakakalungkot isipin na mga tiga-Luzon na hindi naman nakaranas ng pananamantala at pang-aabuso ng mga terorista ang lakas-loob na lumalaban sa batas na ito. Nakakatawa na lang isipin na sinisigaw ninyo na minamahal nyo ang bansang Pilipinas ngunit hindi ninyo sinasaalang-ala ang buhay ng mga kapatid ninyo sa Mindanao na pangunahing apektado sa kamay ng mga terorista. 

Sabagay, hindi nga naman ninyo alam yung hirap, dahil naninirahan kayo sa magagarang tahanan, nakakatulog kayo ng mahimbing at nakakasama ninyo ang inyong pamilya ng matiwasay.


Davao Bombing, Mindanao.
Sinasabi siguro ng karamihan na sundalo ang pinasok namin kaya wag kami magreklamo kung nakikipaglaban ngunit alam naman nating lahat na walang pera o propesyon ang makakatumbas sa buhay ng isang tao. Ang aming pinanghahawakan na lamang ay kung mamatay man, mamamatay kaming nakikipaglaban para sa kapayapaan ng mga lugar na aming nasasakupan; mamamatay kami ng mayroong dignidad, malinis na konsensya at may totoong pagmamahal sa bayang Pilipinas.


Walang may alam sa inyo ng mga gabing halos wala kaming tulog habang kayo ay naghihilik; hindi ninyo alam yung sakit na hindi kami makauwi sa mahahalagang okasyon habang kayo ay masayang nagtitipon-tipon; hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam na malagasan ng kasamahan habang kayo ay malayang nakakasigaw; wala kayong alam sa lahat ng sakripisyon ng libu-libong sundalo na nauna na sa amin para lamang mailigtas ang kapwa natin Pilipino laban sa terorismo.

Kaya ito lang ang panawagan ko kung nais mong ibasura ang bill nato:

Pauwiin ninyo na kami. AT KAYO NA LANG ANG PUMALIT SA AMIN. Minsan naiisip ko na sana kayo na lang, kayo na lang sana ang ilang araw na hindi natutulog para lang maprotektahan ang mga mamamayan; kayo na lang sana ang humihiga sa basa at malamig na damuhan habang umuulan; sana kayo na lang ang hindi nakakasaksi ng panganganak ng inyong kabiyak; sana kayo na lang yung hindi makauwi kahit na nasa bingit na ng kamatayan ang inyong kapamilya; sana kayo na lang ang walang awang pinapatay, niyuyurakan at binabalasubas ng mga terorista; kayo na lang sana ang namanatay kahit hindi nasisilayan ang mga anak; kayo na lang sana yung nilalamayan at iuuwi sa pamilya ng bangkay na. Kayo na lang sana.


DAHIL HANGGA’T HINDI NINYO NARARANASAN ITO, HUWAG NINYONG SABIHING MAY ALAM KAYO SA TERORISMO.

#YesToAntiTerrorBill­
Palawakin natin ang panawagan para suportahan ang Anti-Terror Bill!
*ctto
#HugotSundalo


***

Source:  Hugot Sundalo

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments