Dating Opisyal ng AFP sinupalpal si Dingdong Dantes: Hilaw pagiging reservists mo. Sumuporta ka sa program ng gobyerno hindi kontrahin ito.



Naging bukas sa publiko ang pagkontra at hindi pagpabor ni Dingdong Dantes, isang artista at Philippine Navy reservist sa ngayo'y pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020.

“Sadly, the Anti-Terrorism Bill is also causing fear—fear from abuse of power because of uncertainties and lack of dialogue. It is unfortunate that instead of uniting the people during these difficult times, the bill is dividing us. We must remember that the bill must yield the greatest net benefit to the people," pahayag ng aktor.



"I am a reservist. Isang karangalan at tungkulin ang tumulong sa pangangalaga ng kaayusan at kapayapaan ng bansa," dagdag niya.



Ang naturang pahayag ni Dantes ay kinontra at sinupalpal ng isang dating Philippine Airforce Pilot at ngayo'y Captain Pilot ng isang Airline company dito sa bansa na si Capt. Ulysses Ignacio.

Ayon kay Ignacio, dahil sa lantarang pagkontra ni Dantes sa programa ng gobyerno na naglalayong labanan at wakasan ang terorismo sa bansa ay binansagan niya itong hilaw at mababaw ang pundasyon niya bilang isang reservist.



Dagdag pa ni Ignacio, bilang isang reservist ay dapat andun ang suporta mo sa mga isinusulong na mga programa ng pamahalaan at hindi ang pangunahang kontrahin ang mga ito.

"Bilang isang reservist, as you claim to be. Dapat sumuporta ka sa program ng gobyerno hindi kontrahin ito. It only shows na hilaw pagiging reservists mo at mababaw ang foundation mo bilang Navy Reserve,"



Kamakailan ay ipinakilala na sa publiko ang League of Filipino Actors o AKTOR, isang grupo ng mga artistang Pinoy na titindig sa mga isyung magbabanta sa freedom of expression na pinangungunahan parin ni Dantes.


“Madalas itinuturing na lamang ang karamihan ng mga aktor na mga manika at tau-tauhan na panlibang at nagdudulot ng saya. Dala na din siguro ito ng maling pag-unawa sa totoong kalagayan ng mga aktor sa kabuuan. Tapusin na natin ang ganoong pananaw,” saad ni Dingdong.

Kabilang sa mga miyembro ng AKTOR ay sina Angelica Panganiban, Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Gabby Eigenmann, Iza Calzado, Richard Gutierrez at iba pa.

Narito ang kanyang buong post: 

Dingdong i have a message for you.

Way back 2004 ako sampu ng mga opisyal ng AFP under the Office of the President ay binuo ang Office of the Anti-Terrorism Task Force (ATTF). Layunin ang pag ibayuhin ang kampanya ng pamahalan laban sa terorismo.

Bilang isang reservist, as you claim to be. Dapat sumuporta ka sa program ng gobyerno hindi kontrahin ito. It only shows na hilaw pagiging reservists mo at mababaw ang foundation mo bilang Navy Reserve. 



May spokesperson ang AFP at youre violating the protocol by branding your reserve status at the same time being a civilian, an actor at that. You are well covered by a court martial kaya shut the hell up.

Keep your opinion to yourself. A soldier only talks when asked.

This is 0-11728

***

Source:  Ulysses Ignacio


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

1 Comments

  1. Thank you, Mr. Dingdong Dantes for bravely expressing your thoughts. Mabuhay po kayo. At mahusay din kayong alagad ng dining. Sorry nlng sa mga hindi makaintindi ng malayang pamamahayag.

    ReplyDelete