"Hindi self entitled at spoiled," Krizette kay First Lady Honeylet Avanceña tungkol sa mga banta kay Kitty Duterte




Naging maingay sa social media ang pangalan ni Megastar Sharon Cuneta at ng kanyang anak na si Frankie Pangalinan, anak nila ni Senador Francis "Kiko" Pangilinan na nag-ugat sa naging komento ni Frankie sa usaping "rape".

Dahil sa pangyayari, sunod-sunod ang paglabas ng mga statement at live videos ni Sharon sa kanyang mga socmed accounts laban sa mga bumabatikos sa kanyang anak at sa kanyang asawa.


Naglabas ng kanyang komento ang isang writer ng Manila Bulletin na si Krizette Laureta Chu, dito kung saan ikinumpara niya ang mga naging reaskyon at mga banat ng pamilya ni Sharon tungkol sa mga natatanggap nilang "threat" lalo na sa anak nilang si Frankie, sa kung paano tinanggap at hinarap ni Honeylet Avanceña, common-law wife ni President Rodrigo Duterte ang mga pambabastos at pagbabanta ng mga galit sa kanila pamilya at sa anak nilang na si Kitty Duterte.

Sen. Kiko Pangilian | Frankie Pangilinan | Sharon Cunete

"Ang daming rape threats against Kitty Duterte in the beginning, sinabi ding may kinalaman sa drugs (LOLOL), dinamay pa ni Bikoy at Trillanes yung minor sa “Ang Totoong Narcolist” video where they said Honeylet Avanceña and Kitty were receiving payoffs from the illegal drug trade and depositing transactions in banks in Hong Kong," saad niya.


"Sabi lang ni Honeylet, “Pag sure oi.” dagdag ni Krizette.

Sa mga ibinahaging video ni Sharon mula sa kanyang mga lives sa social media, hindi maitago ng batikang artista na maglabas ng kanyang galit at mga hinanakit at hindi mapigilang mapaiyak sa mga pinagdaanan nilang pagsubok.

Sa isa niyang post, ipinangako si Sharon na ipapahanap niya ang isang netizen at mapapanagot sa kanyang mga binitawang komento laban para kay Frankie.

Ngunit paliwanag ni Chu, doon sa parte ng pamilyang Duterte, hindi naman daw umano nila na pinapanagot at pinapahanap ang mga nagbitiw ng mga masasamang salita at mga nagbabanta sa buhay ng anak nilang si Kitty.

Preisdent Rodrigo Duterte | Kitty Duterte | First Lady Honeylet Avanceña 

"Hindi naman nag break down si HONEYLET o yung Presidente. Hindi naman nila pinahanap yung nag rape threat, considering yun eh mga blatant threats at hindi (kung ako ay 12 years old) hypothetical statements,"


Ito ang buong post ni Krizette: 

Ang daming rape threats against Kitty Duterte in the beginning, sinabi ding may kinalaman sa drugs (LOLOL), dinamay pa ni Bikoy at Trillanes yung minor sa “Ang Totoong Narcolist” video where they said Honeylet Avanceña and Kitty were receiving payoffs from the illegal drug trade and depositing transactions in banks in Hong Kong.

Sabi lang ni Honeylet, “Pag sure oi.”

Hindi naman nag break down si HONEYLET o yung Presidente. Hindi naman nila pinahanap yung nag rape threat, considering yun eh mga blatant threats at hindi (kung ako ay 12 years old) hypothetical statements.

Di din naman sila nag tag ng kung sino sino. Di naman sila nag recite ng lineage at genealogy nila, considering Governor yung Tatay ni Duts, hindi lang Mayor.


Ganon ata pag hindi self entitled at spoiled, I think? (Di ko masyadong alam eh kasi ako self entitled at spoiled at bungangera pa.) Kung ako yun, tag ko si Putin agad agad tignan natin. 


***

Source:  Krizette Chu

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

Post a Comment

0 Comments