Sinimulan na ngayong araw ang pag pasada ng modernisadong pampasaherong jeep o BEEP. Ito ay alinsunod sa proyekto ng pamahalaan na naglalayong ipahinto na ang pag gamit ng mga lumang jeep sa daan at palitan na ng mga makabagong disenyo na inalmahan naman ng mga tsuper. Alam natin na ang makasaysayang jeep ay parte ng kasaysayan ng Pilipinas at sa panahon ngayon marami na tayong nakikita o nasasakyan na luma at hindi na maayos ang performance ng mga ito.
Layon ng BEEP na ilunsad sa buong ka-Maynilaan ang bagong
disenyong jeep na ito. Tinatayang aabot sa 1.4 million hanggang 1.6 million ang
magiging kabuuang halaga ng bagong behikilo. Ngunit sa kabila nito,
hindi mawawala ang reklamo at hinaing ng mga may ari ng mga lumang jeep dahil
ito ay maaaring ikahina ng kanilang kabuhayan.
Ang BEEP o modernized jeepney ay isang paraan upang mabawasan
ang usok o polusyon sa hangin na nagdadala ng masamang epekto sa tao at sa kalikasan. Ito rin ay makapagbibigay ng maginhawa at komportableng paglalakbay sa
mga pasahero na sakay ng BEEP.
Ang tanong, gaganda nga ba ang kapalaran ng mga tsuper sa
bagong proyektong ito?
Source: ABS-CBN News
***
Share your thoughts, hit Like and Share. Thank you!
1 Comments
"Modernisadong jeep"? WOW!!! A jeeps a jeep is a jeep is a jeep...........
ReplyDeleteBago ba ang engine niyan, ang transmission, ang differential? May air condition bayan? Bakit mas-mahal pa sa isang sedan yan? Half of PHP1.4M is PHP700K which is the price of a sedan which can then be used for UBER services.