![]() |
Marami ang mga natuwa sa dahil sa natanggap nilang tulong ngunit marami din ang mga naglalabasang mga balita at mga hinanaing sa social media dahil sa hindi maayos na sistema sa pamimigay ng ayuda.
Katulad nalang ng isang post ni Melissa Rischardson-Siton, kung saan ibinahagi niya ang naging karanasan ng isang karpintero sa kanila, isang masipag na Ama at pulido kung gumawa ngunit umaasa din lamang sa pa extra-extra na trabaho.
Ayon kay Melissa, kasalukuyang dalawang araw nang nagtatrabaho sa kanya ang nasabing karpintero, ngunit bago paman nito, 3-linggo na din umano siyang walang trabaho.
![]() |
Photo from UNTV News |
Hindi rin naiwasang kuwestyunin ni Melissa yung mga kapitbahay niyang nakatanggap ng pera kahit wala namang mga ginagawa sa buhay.
"So ngayong araw uuwi syang pagod at pawis. Pero Yung mga kapitbahay naming adik, istambay since birth at tsismosa uuwi na may 6000 pesos sa bulsa kase sila kwalipikado sa SAP dahil "Wala silang trabaho",
"Asan Ang hustisya?! Bakit Parang kasalanan pa maging masipag at masumikap sa pinas?! Bakit mas Kalam Ang sikmura nang mga taong may tiyaga at sipag?!,"
Narito ang kanyang buong post:
![]() |
Larawan kuha mula sa post ni Melissa |
Etong panday ko. Apat ang anak, edad 2 hanggang 8.
Sa iba 400 php per day Lang sya. Sakin 600. Kung saan saan napanday- walang regular na trabaho pa extra extra lang.
Masipag. Pulido magtrabaho. Pag may trabaho may Kita pero mas madalas walang trabaho.
Tinanggihan sa SAP nang Brgy. Jubay Liloan Cebu kase kinatwiranan na Hindi daw kwalipikado kase nung interview sya e inamin nya na 2 days na sya may trinatrabaho para sakin (pero bago to e 3 weeks syang walang trabaho).
So ngayong araw uuwi syang pagod at pawis. May 600 pesos na Kita sa bulsa. Pero Yung mga kapitbahay naming adik, istambay since birth at tsismosa uuwi na may 6000 pesos sa bulsa kase sila kwalipikado sa SAP dahil "Wala silang trabaho".
Asan Ang hustisya?! Bakit Parang kasalanan pa maging masipag at masumikap sa pinas?! Bakit mas Kalam Ang sikmura nang mga taong may tiyaga at sipag?!
***
Source: Melissa Rischardson-Siton
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!
0 Comments